CSISBOARDS Forum Index CSISBOARDS

 

N

 
       CSISBOARDS Forum Index -> Introduction
Author Message
N



Sun Feb 25, 2007 12:59 pm   N  

Unang Araw ng Imbestigasyon

Noong ika 20 ng Pebrero sa panahong kasalukuyan. Nagimbal ang mga tao
sa forum na ito. May lumabas na hindi inaasahang tao at may mga
pangyayari na hindi inaasahan. Ito ay ang paglabas ni M. Lahat pinaghihinalaan.
Walang nakaligtas sa kamangdag ni M. Sa husay at talino niya marami ang
napapaisip, naiintriga at naasar sa kanyang mga ginagawa.

Nagpakilala siya at naghamak ng mga tao lalo na kay L. Sa aking palagay
malapit siya sa ibang tao na kabilang sa forum.

Noong ika 21 ng Pebrero kanyang pinasara ang account upang
makasaigurado na walang makakaalam ng kanyang personal na mga impormasyon.

Ika 22 ng parehas na buwan. Nagkagulo ang tao sa forum. Lahat ay
pinaghihinalaan at inaakusahan na siya si M. Sino nga ba c M? Isang malaking
katanungan. Nakasagip ako ng kuro-kuro na may kapit si M sa isa sa mga
pinuno ng forum na ito. Sa araw din na ito may nagsabi na siya si M
pero hindi pa rin sapat ang katibayan para siya ay paniwalaan.

Ika 23 ng Pebrero nagbalik si M. Kanyang isinaad ang mga pangyayari sa
klase. Kanyang pinost ang mga detalye sa oras na 7:31 ng umaga. Kanya
din pinaalis ulit ang sariling account sa isa sa mga pinuno dito.

Sa aking palagay si M ay may kaugnayan sa mga taong nasa forum. Lalo na
sa isang pinuno.
Malaki ang impluwensya niya kay M at pati na rin ni M sa kanya.

Ang katangian ni M ay ang mga sumusunod:
* Una ay may sama ng loob kay L
* Malapit sa mga piling tao sa forum na ito
* Matalino
* Magaling magisip ng mga bagay-bagay
* May sariling kompyuter sa loob ng kanilang pamamahay
* Maraming nalalaman sa kompyuter
* Malakas mang-asar at mang-alaska ng tao
* Masakit magsalita
* Mayroong kapasidad na manghack o gumamit nang ADMIN account
* Mayabang

Sa aking mga nukuhang impormasyon sa mga nagdaang araw may naisip na
akong posibleng siya.
May isang tao dito na nagsabi daw na hindi posible na maalis ang
account sa forum na ito.
Pero may nahagilap akong balita na siya ang taga-alis ng membership
niya. Malaking palaisipan ito dahil hindi tugma ang impormasyong kanyang
nilabas.

Pangalawa. Noong Huwebes marami ang nakaonline. Kapansinpansin na pag
online yung isa makikita mo si M. Laging timing sila. Di kaya iisa lang
silang tao?

Pangatlo. May nahagilap din ako na iba ang kanyang IP address kaya
aking naisip na gumamit siya ng ibang pc sa araw ding iyon. Sino ang mga
nasa labas ng bahay sa mga panahong iyon?

Pangapat. Mataas ang porseyento na isa siyang henyo pagdating s
kompyuter lalo na sa mga forum. Paano niya madedelete ang kanyang account kung
ang mga ADMIN ay walang kakayahang magawa ito noon.

Panglima. Ang huling impormasyong nasagap ko ay....................
Bago pa man malaman ng iba na nagpost si M. May isang tao na nakaalam
nito kaagad at nauna pa kay L. Ibig sabihin kaya niyang magbabad sa
kompyuter hanggat kaya niya. Paano niya kaya kaagad nalaman ang impormasyon
na may bagong ipinost c M na ang mga tao ay hindi na online sa panahong
iyon. Maari ba na siya si M? Sa tingin ko lang ha. Dalawa silang
magkasabwat o higit pa.

M kung sino ka man, huhulihin kita sa kahit anong paraaan. Iyan ang
tatandaan mo. Sisigauraduhin ko na akin ang huling halakhak.

24 ng Pebrero: Sa oras na 12:01 ng madaling araw ng online c M.

Nagpost ng video sa ganap na oras na 1:34
Sumali sa youtube February 23 2007
Last Login: 20 minutes ago
Yan ay ala una na ng umaga.

Pangalawang araw ng Imbetigasyon

Nabawasan ang aking pinaghihinalaan. Pero may isang tao na napag
isip-isip kong posibleng siya. May mga nakuha akong clues sa loob ng forum
galing kay Super Pon:


Quote: hmmm
no.1 clue...you have an adobe audition...
no.2 clue...using funny voices/loves to do funny voices/good at
imitating voices...hmmm...
no.3 using teh word "guys"...made me realized that...youre connected to
this----->(()) sign....


Siya nga ba talaga? Wala pang sapat na katibayan. Maaring maging siya,
maaring hindi din.
Base sa aking obserbasyon. Maaring sa isang computer shop si X sa
panahong iyon.
Nagretire si L sa kanyang posisyon.
 
notanymore



Sun Feb 25, 2007 10:20 pm    

nyahahahaha...


Quote: Base sa aking obserbasyon. Maaring sa isang computer shop si X sa
panahong iyon.
Nagretire si L sa kanyang posisyon.

oye...ano daw???
 
miss murder



Sun Feb 25, 2007 10:24 pm    

wakoko.. ang labo
 
Bloo Chocolate



Mon Feb 26, 2007 9:10 pm    

im definitely sure on who you are so watch out..
 
Cotton Buds™



Mon Feb 26, 2007 9:27 pm    

ahhh... me too... /hmm
 
Bloo Chocolate



Tue Oct 02, 2007 12:40 am    

solved! BUMP!
 
 
       CSISBOARDS Forum Index -> Introduction
Page 1 of 1


This page is a free forum hosting archive page from a ForumWise free forum.
Powered by phpBB ©